Mahan Projects

komposisyon?

Posted by laupkram in Dec 23, 2010, under Uncategorized, Writings

pag gumawa ka ng isang tula… kanta… o kahit anu mang isusulat mo na hindi tumatalakay sa tunay na kaganapan,, ipag palagay mo ikaw ay susulat ng mga bagay na hindi mo nakita, naramdaman o naamoy,,, bakit ka pa susulat?
lumabas ka… tahakin ang walang patutunguhan… hayaan dalhin ang sarili kung saan sa tingin mo’y dinala ka ng iyong mga paa gamit ang iyong puso at naguguluhang isip.
nakikita mo na ba… ang mga bagay na akalain mo’y isang katanungan na matagal ng hindi nasasagot ngunit hinihintay lang ng mga tao sa paligid mo na malaman mo ito… akalain mo ang isang pulubing nakita mo sa sulok ay dating  heredero ng isang mayaman na pamilya… bakit di mo usisain.. na siya pala’y pinalayas sa kanilang tahanan dahil sa maagang pag-aasawa… at dahil duon ikaw ay nahabag…
simulan mo na siya kausapin ng mahinahon at di mo napansin na lumapit na ang kanyang mag-inang nagugutom… mag pakilala ka na isang kaibigan at ikaw ang kumumbinsi na ikaw sana’y kausapin nila ng marangal…. bakit hindi… alamin mo sa sarili mo kung ikaw kaya ay katulad nila,, naninirahan sa masukil na lugar ng siyudad… pag masdan mo ang mga gamit sa paligid… gawan mo ng malalim na istorya, dahilan na ikaw ay kailangan ng umalis… sumakay ka  ng jeep alamin ang hirap ng buhay manibela sa isang nabubulok na sasakyan na hanggang ngayon ay tinatangkilik sa mahabang panahon… sumabay…  makihalubilo… ilagay ang iyong sarili sa isang araw ng pag-aalam ng realidad ng buhay, nakita mo ba ang mga nagtitinda… sa gitna ng nakakasunog na araw… at sa pag dating ng hapon ikaw ay sumaglit… umupo… pansinin ang kapaligiran… ang dating nagmamadaling ingay ay unti-unting pinatatahimik sa pag-uwi ng kabataan sa eskwela, sa layo ng kanya kanyang bahay ay napilitan si nanay na ang kanyang anak ay sunduin… at dumating ang takipsilim… nagbukas ang maraming ilaw upang ipakita ang hiwaga na maraming nangyayari sa dilim na halos di nag-iiwan ng bakas… at ikaw ay muling lumakad pauwi upang mag-pahinga ngunit sa iyong pagbalik ay may makikita ka…  isang nagtitinda ng balot na hinahabol ng aso… mga kababaihan na kinalimutan na ang dangal upang may maipakain, maipang-aral para sa hindi siguradong kinabukasan…
* at sadyang sa dami ng iyong nakita ay hindi mo napansin ikaw ay nasa inyo ng bahay…. ngayon kumuha ng papel… hawakan ang lapis hindi pluma dahil magulo pa ang iyong isip at masasayang ang mga naging sakripisyo ng mga punongkahoy sa papel na iyong masasayang… ngayon isulat kung paano ka nag simula…sa  araw na akala mo’y walang patutunguhan ngunit mga nagtatagong aral…. at
makita mo naisulat mo sa papel ang kwento ng pulubi… ang magiging salitang
magbibigay hiwaga sa magandang katapusan ng kwento ng pulubi… ang kapaligiran… na  hindi mo pinansin sa mahabang panahon ay unti-unting nasisira… isulat mo ito, magalit sa mundo bakit ang papel na to ang simbolo ng makamundong pag-unlad ngunit ang kapaligiran na kinalimutan…
ang asawa at ang kanyang anak na nagugutom bakit nagkaganoon? diba nandyan ang gobyerno? nasumulat sa konstitusyon na ang mahirap ay dapat tulungan ng gobyerno… ito’y iyong isipin ang mga papel na nasayang sa mga nasisirang pangako… at mga katanghalian na hindi halos umabot sa dulo ng dila… ang init at ingay ng umuugong na jeep… ang sirang manibela ay magawan mo ng kanta… kanta ng saya at lungkot… ng mga pamilyang isinakay ng sasakyang iyon… at ang pagsapit ng dumidilim na hapon at ang pag-uwi mo ay ang mang babalot na hinabol ng aso ay magawan mo ng komedya na gusto pala rin ng aso ang balot?… ang mga kakababaihan at ang drama sa likod ng kanilang mga kwento…
* kita mo napuno mo a ng iyong papel, na makabuluhan… sa iyong papananaw na ang buhay ay sadyang masaya… at minsan… masaklap(“,)

Leave a Comment more...

Pages

Blog Comments

    Clouds

    Stop censorship